Ang SFO ay kapana-panabik at interesanteng lugar kung saan may iba’t ibang oportunidad para sa pagnenegosyo, mula sa konstruksiyon hanggang sa pagapapanatili sa pasilidad sa maayos na kondisyon hanggang sa konsesyon ng mga tindahan, at advertising. Ibinibigay ang mga oportunidad na ito sa mga kompanya sa pamamagitan ng prosesyon Paghiling ng mga Mungkahi (Request for Proposal, RFP) o sa proseso ng may kompetisyong bidding (paghihikayat sa mga kompanya na mag-alok na serbisyo). Inaasahan ng SFO ang pakikipag-partner sa mga kompanya upang makapagbigay sa mga nagbibiyahe ng pinakamagagandang katangian ng pasilidad at mga serbisyo.
Polisiya ng SFO ukol sa Maliliit at Dehadong mga Negosyo
Polisiya ng Komisyon ng Airport (Airport Commission) na tiyakin ang kawalan ng diskriminasyon batay sa lahi, kulay, kasarian, seksuwal na oryentasyon, o bansang pinagmulan sa pagbibigay at pamamahala sa lahat ng kontrata at pag-upa, at upang makalikha ng pantay na larangan kung saan makatarungang nakikipagkompetisyon ang maliliit na negosyo, kasama na ang Dehadong mga Negosyo (Disadvantaged Business Enterprises, DBE) para sa mga pag-upa ng mga konsesyon o tindahan at konstruksiyon, pagkuha ng mga kinakailangan, at mga kontrata para sa propesyonal na mga serbisyo.
Tagabili ng Lungsod (City Purchaser) at ang Opisina para sa Pamamahala ng mga Kontrata (Office of Contract Administration)
Para sa karagdagang impormasyon ukol sa proseso ng pagkuha ng mga pangangailangan (procurement) at pagkakaroon ng formas para sa mga nagbebenta (vendor forms) at imbakan ng datos ng mga bid at kontrata sa kabuuan ng lungsod, pakibisita angwebsite ng Opisina para sa Pamamahala sa mga Kontrata ng Lungsod at County ng San Francisco (City and County of San Francisco, Office of Contract Administration).
Mga Kontrata para sa Mag-isang Pinagkukunan
I-download ang SFO's Fiscal Year 2024 to 2025 Sole Source Contracts Annual Report (PDF).
Mga Prinsipyo ng R.E.A.C.H.
Sinasagisag ng R.E.A.C.H. ang Revenue Enhancement And Customer Hospitality (Pagkakaroon ng Mas Malaking Kita at Magiliw na Pagtanggap sa mga Kostumer). Pinagyayaman nito ang mga pagsusumikap ng Airport na gawing tanyag sa buong mundo na pasilidad ang San Francisco International Airport at pinahahalgahang pintuan papasok sa Kanluran.
Ang mga Prinsipyo ng R.E.A.C.H. ay dokumentong hinahangad para sa mga arkitekto, taga-disenyo, umuupa, at empleyado ng SFO. Ipinaliliwanag nito ang natatanging punto de bista, kasalukuyang mga kondisyon, at dinamikong demograpiya (nauukol sa edad, lahi, kasarian, at iba pa) ng mga pasahero, kung kaya’t maaaring maisama ang mga prinsipyong ito sa mga proyekto.
I-download ang Mga Prinsipyo ng R.E.A.C.H. (PDF)